Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Isapamuhay

May kalayuan ang eskuwelahan ng aking anak sa aming tahanan. Kaya naman, pagkatapos ko siyang ihatid, nagsasaulo ako ng mga talata sa Biblia habang naglalakad pauwi. Ang mga talatang inuusal ko hanggang masaulo ay palagian kong naaalala sa buong maghapon at sa panahong kailangan ko ng gabay.

Nang ihanda ni Moises ang mga Israelita sa pagpasok sa lupang ipinangako, binanggit niya…

Pinalaya Na

Namangha kami nang makita namin ang Christ Church Cathedral sa Stone Town, Zanzibar. Ang kinatatayuan ng katedral na ito ay dating lugar kung saan nagaganap ang pinakamalaking bentahan ng mga alipin sa Silangang Aprika. Nais ng mga lumikha ng katedral na makita ng mga dadalaw dito kung paano pinalaya ng Salita ng Dios ang mga tao mula sa pagkaalipin. Hindi na…

Kapangyarihan ng Espiritu

“Tanggalin ang pagpapadalos-dalos.” Nang sabihin sa akin ng dalawang kaibigan ko ang kasabihan ng matalinong si Dallas Williard, alam ko na kailangan kong gawin iyon. Nasaan ako? Nagpapaikot-ikot ako, nagsasayang lang ng oras at ng lakas. Ang mas mahalaga ay saan ako nagmamadali at hindi humihingi sa Dios ng tulong at gabay? Dumaan ang ilang linggo at buwan, naalala ko…

Korona ng Hari

Ilang linggo bago ang araw ng pagkabuhay ay gumawa kami ng koronang tinik. Gabi-gabi ay nagtutusok ang bawat isa sa amin ng maliit na kahoy sa isang foam. Sumisimbulo ang bawat nakatusok na kahoy sa mga maling bagay na nagawa namin na nais naming ihingi ng tawad sa Dios. Ang pagtutusok ng kahoy ay nagpapaalala na kailangan natin ng isang Tagapagligtas…

Huwag Kang Matakot

Nagkakaroon ng masamang epekto sa ating katawan ang pagkatakot o pagkasindak. May pagkakataon na sumasakit ang ating tiyan, kumakabog ang ating dibdib o kaya naman nahihirapan tayong huminga. Palatandaan din ito na nababalisa ang ating katawan.

Nakaranas din naman ng pagkatakot ang mga alagad ni Jesus. Matapos pakainin ni Jesus ang 5,000 katao, pinapunta ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa…

Kababaang-loob

Minsan, habang nasa isang silid-aralan, pagalit na nagbigay ng komento ang isang estudyante sa sinabi ng kanyang guro. Nagulat ang ibang mga estudyante sa pangyayari. Nagpasalamat na lang ang guro sa komento ng estudyante at nagtanong na ng iba. Pagkatapos ng klase, tinanong ang guro kung bakit hindi siya nagsalita sa pagalit na komento ng estudyante. Tugon naman nito na…

Pananalangin

Minsan, habang iniisip ko ang pangangailangan ng isa sa malapit kong kaibigan, naalala ko ang kuwento ni Propeta Samuel na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Dahil doon lumakas ang loob ko na idalangin ang malapit kong kaibigan. Idinalangin kasi ni Samuel ang kanyang mga kababayan na humaharap sa matinding pagsubok.

Natatakot noon ang mga Israelita sa mga Filisteo. Ilang beses…

Kasama natin ang Dios

“Si Cristo’y kasama ko, si Cristo’y nasa harapan ko, si Cristo’y nasa likuran ko.” Mula ito sa awiting isinulat ni Saint Patrick. Naisip ko ang awit na ito nang mabasa ko ang tungkol sa kapanganakan ni Jesus sa aklat ni Mateo sa Biblia. Ipinaalala nito sa akin na hindi ako mag-iisa kailanman.

Ipinapakita sa aklat ni Mateo na ang pagparito…

Paghihintay

“Ilang tulog na lang po ba bago mag Pasko?” Ito ang madalas itanong ng mga anak ko noong maliliit pa sila. Inip na inip sila sa paghihintay kahit nakikita nila sa kalendaryo na malapit na ang araw ng Pasko.

Mapapansin natin na mahirap para sa mga bata ang maghintay. Pero hindi lang sila ang nahihirapang maghintay. Mahirap din ito para…

Kadakilaan ng Dios

Minsan, habang nasa dalampasigan ako, pinanonood ko ang mga taong nagka-kite surfing. Nakasakay sila sa malapad na kahoy habang hinihila ng malaking saranggola. Sa tulong ng malakas na hangin, mabilis silang umaandar at tumatalbog-talbog sa ibabaw ng dagat. Tinanong ko ang isa sa kanila kung mahirap ba ang ginagawa nila. Sagot nito, "Hindi, mas madali pa nga ito kaysa sa…